International News
AMAZON WILDFIRES: BRAZIL TINANGGIHAN ANG $22-M NA TULONG NG G7
Tinanggihan ng gobyerno ng Brazil ang $22 milyong ayuda ng Group of Seven (G7) countries para sugpuin ang wildfire sa Amazon rainforest.
Pahayag ni Onyx Lorenzoni, chief of staff ni Brazilain President Jair Bolsonaro,“We appreciate the offer, but maybe those resources are more relevant to reforest Europe.”
Dagdag pa ni Lorenzoni, patungkol sa Notre-Dame Cathedral fire na sumiklab sa Paris noong Abril,“Macron cannot even avoid a foreseeable fire in a church that is a world heritage site. What does he intend to teach our country?”
Isa rin sa tinuturong dahilan, ayaw umano ng Brazilian president na hawakan sila ng ibang bansa.
“Brazil is a democratic, free nation that never had colonialist and imperialist practices, as perhaps is the objective of the Frenchman Macron.”
Samantala, hindi rin nagustuhan ng pangulo ng Brazil ang komento ng French President na si Emmanuel Macron kaugnay sa sunog sa Amazon.
Kondisyon din ni Bolsonaro, dapat munang humingi ng paumanhin ang French Leader matapos niyang tawagin ang Brazilian president na isang sinungaling.
Inakusahan umano siya ni Macron na “nagsisinungaling” patungkol sa kanyang paglaban sa climate change.
“To talk or to accept anything from France, whether it be with the best possible intentions, he [Mr Macron] will have to withdraw those words and then we can talk,” saad ni Bolsonaro.