Connect with us

International News

Baghdad, Iraq: 65 patay sa protesta vs. gobyerno

Published

on

Sugatan ang isang raliyista matapos tamaan ng baril
PROTESTA LABAN KURAPSYON. Napaupo na lang sa kalsada ang isang sugatang lalaki matapos matamaan ng bala ng sniper sa gitna ng mga kilos-protesta sa Baghdad, Iraq.

Aabot na sa 65 katao ang namatay sa patuloy na ginagawang kilos-protesta sa Baghdad.

Ang bilang ng mga kaswalidad ay dumoble sa nakalipas na 24 oras bunsod ng matinding ekwentro sa pagitan ng mga kapulisan at mga rallyista.

Iniulat ng Iraqi military na ang mga unidentified snipers ay pumatay ng apat na katao sa Baghdad, kabilang na dito ang dalawang pulis.

Nagpahayag naman si Prime Minister Adel Abdel Mahdi na pinakikinggan ng gobyerno ang mga “legitimate demands” ng mga nagpo-protesta. 

Kasunod nito ay ang kanyang panawagan  sa publiko na maging kalmante at maghinay-hinay sa pagpapalaganap ng karahasan.

Umusbong ang mga protesta dahil sa pagkdismaya ng mga tao sa mataas na unemployment rate ng mga kabaataaan sa Iraq.

Marami rin sa opisyal ng gobyerno ang inaakusahan umano na nagbubulsa sa pera ng bayan bukod pa ang kwestyonableng ‘awarding’ ng government contracts.

Lalong pang pumalag ang mamamayan dahil sa bigong maipatupad ni Abdul Mahdi ang ipinangakong political reforms.

Ayon kay Grand Ayatollah Ali al-Sistani, ang pinakama-impluwensyang cleric ng Iraq, ang marahas na mga protesta ay kagagawan ng mga pulitikong bigong mapaganda ang buhay ng mga mamamayan.

Samantala, bukod sa 65 na nasawi, halos 200 na rin ang naiulat na sugatan.

Ang kilos-protesta ay ang unang matinding hamon sa administrasyong Mahdi, isang taon matapos niyang maluklok sa pwesto.

Continue Reading