Connect with us

International News

Bakit gumagawa ang isang Israeli company ng Oral Covid Vaccine

Published

on

oral vaccine

Ating isipin kung ang COVID-19 vaccine ay isang pill: walang mga karayom, walang mga medical professionals na kailangan para i-administer ito, at pwede rin ito ipadala ng direkta sa inyong mga bahay.

Ang Israeli pharmaceutical Oramed ay tinatangkang magawang posible ito, at inaasahan ng masimulan ang unang clinical trial nito ngayong Agosto, ayon kay CEO Nadav Kidron.

Dahil may kabuuang 15 porsyento pa lamang ng buong populasyon sa mundo ang fully vaccinated, ang global fight para matigilan ang pademya ay malayo pang matapos.

Ang mga oral vaccine ay magandang solution para sa mga developing bansa, sapagkat binabawasan nito ang logistical burden ng mga immunization campaign, ayon kay Kidron.

Ngunit, maaring ring tumaas ang demand nito sa mga mayayamang bansa na kung saan ang pag-iwas sa mga karayom ay isang dahilan para sa pagtanggi ng vaccine.

Base sa isang survey, mayroong higit 19 million na mga Amerikano ang tinangihan ang bakuna at tatangapin lang nila ito, kapag may opsyon na gawin itong isang pill.

“In order for the vaccine to really work well, we need as many people to take it as possible,” sabi ni Kidron.

Iba pang mga benepisyo nito ay ang pag-reduced ng mga syringe at mga plastic waste , at may potensyal rin na mas kaunti ang side effects nito.

Mga hamon para sa oral delivery

Sa kabila ng maraming theoretical advantages, kakaunting lamang ang successful oral vaccines sapagkat ang kanilang active ingredients ay kadalasan namamatay pagdating sa gasto-intestinal tract.

Hindi kasama rito ang mga bakuna para sa mga diseases na transmitted mismo sa pamamagitan ng mouth at digestive system tulad lamang ng oral polio na bakuna.

Ang Oramed, na itinatag noong 2006, ay naniniwala na nalagpasan na nila ang “technical hurdles” sapagkat naka-disenyo sila ng capsule na kayang mag-survive sa mga highly acidic environment ng gut.

Inimbento ang teknolohiyang ito para sa kanilang isang produkto. Ang produktong ito ay ang “experimental oral form of insulin,” isang lifesaving na gamot na kailangan ng mga diabetics na hanggang ngayon ay na-aadminister lang sa pamamagitan ng injection.

Ito’y dinevelop kasama si Nobel prize winner biochemist Avram Hershko, siya ang scientific advisory board ng Oramed.

Ang capsule ng kompanya ay may “highly protective coating that makes it slow to degrade.”

Naglalabas rin ito ng mga molecules na tinawag na “protease inhibitors” na pinipigilan ang mga enzymes sa small intestine para hindi i-break down ang insulin at isa rin itong absorption enchancer na tumutulong sa insulin upang tumawid sa bloodstream.

Ang drug na ito ay ibinigay na sa daang-daang mga pasyente para sa late stage clinical trials sa US, at ang mga resulta ay inaasahan na makuha sa Setyembre 2022.

Inilunsad na ng Oramed ang bago nilang majority-owned company na Oravax, na kinukuha ang capsule technology galing sa oral insulin product at ang mga gamit nito, para naman sa COVID-19 vaccine.

Virus-Like particle

Para ma “evoke” ang immune response, ang mga scientist ng kumpanya ay nag disensyo ng synthetic coronavirus-like particle.

Ginagaya nito ang three key structure ng nasabing pathogen ang: spike protein, envelope protein at ang membrane protein.

Ang mga kasalukuyang authorized vaccines, tulad ng Pfizer o AstraZeneca ay base lang sa spike protein, at nagiging less protective ito sa paglipas ng panahon, dahil sa pag mutate ng spike protein sa coronavirus.

Sa pamamagitan ng pag-target sa multiple parts ng virus, kasama ang mga “structures that mutate less,” ang Oravax ay maaring maging mas “variant-proof” ayon kay Kidron.

Nag-apply na ang kumpanya sa pagsimula ng trials sa iba’t-ibang mga bansa at inaasahan rin nilang magsimula sa Israel sa susunod na mga linggo, hinihintay nalang nila ang approval galing sa health ministry.

Ayon kay Kidron, nakikita niya ang oral vaccine na ginagamit para sa mga developing countries na hindi pa nakakabili ng sapat na supply ng vaccines.

Ang vaccine pill ay nagiging mas maganda kung mayroong “ongoing boosters” pa na kinakailangan.

Pag naging matagumpay ito, magiging representasyon rin ito, ng katibayan sa konsepto ng orally administered vaccines, dagdag pa niya.

“Imagine… the flu vaccine comes to you in the mail, you take it, you’re done.”

Source: ManilaTimes

Continue Reading