Connect with us

International News

Banta ng terorismo sa Pilipinas, Timog-silangang Asya, kinumpirma ng Japan

Published

on

Naglabas ng babala ang pamahalaan ng Japan para sa mga mamamayan nitong kasalukuyang nasa timog-silangang Asya na umiwas muna sa mga matataong lugar dahil sa umano’y banta ng terorismo sa naturang rehiyon.

Kinumpirma naman ng Japanese Embassy to the Philippines na lehitimo ang babala na lumabas nitong Lunes, Septyembre 13, 2021.

Ang babalang ito ay para umano sa mga Hapon na kasalulukuyang nasa Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, Myanmar, maging sa Pilipinas.

Ayon sa embahada, “We issued a warning to alert Japanese people residing in some Southeast Asian countries, but we cannot disclose the source.”

Sa kabila nito, pinabulaanan ng ilang ahensya ng pamahalaan ang nasabing pahayag ng Japan, at wala umano silang natatanggap na ulat hinggil sa anumang banta ng terorismo sa bansa.

Saad ni Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng Philippine National Police, “We have not received any report on possible terror attacks as advised by the Japan Foreign Ministry.”

Sinang-ayunan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag na ito ni Gen. Eleazar. Giit ng AFP, walang humpay ang kanilang mga tauhan sa “(pag) validate all reports on security matters.”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng AFP na tinitiyak nilang ang lahat ng mga mamayang nasa bansa, Pilipino man o hindi, ay ligtas laban sa anumang uri ng terorismo.

 

 

Sour

Continue Reading