Connect with us

International News

Bubonic plague sa Inner Monggolia, kinumpirma ng Chinese authorities

Published

on

Image: https://www.lucisphilippines.press

Naka-high alert ngayon ang Chinese region sa Inner Mongolia makaraang makapagtala ng kumpirmadong kaso ng isa sa mga nakamamatay na pandemya sa kasaysayan, ang bubonic plague.

Una itong na diskubre sa City of Bayannur sa northwest Beijing ayon sa Xinhua news agency.

Inalerto ng isang ospital ang mga otoridad nitong Sabado at Linggo nang maglabas ang mga lokal na otoridad ng level 3 warning para maiwasan ang pagkalat ng plague.

Magtatagal ang warning sa lugar hanggang sa katapusan ng taon ayon pa sa Xinhua.

Kahapon lang nakumpirma ng mga doktor ang kaso ng bubonic plague matapos na ilabas ang opisyal na diagnosis sa pasyente. Naka-isolate na ito sa ngayon habang ginagamot sa ospital at nasa estableng kondisyon.

Ang nasabing plague kilala rin sa tawag na “Black Death” noong Middle Ages, sanhi ito ng bacteria na Yersinia pestis na nakamamatay.

Umabot sa 75 hanggang 200 million katao ang napatay nito noong 14th century, at halos 30 hanggang 50 million noong taong 541-549.

Noong 2009 hanggang 2018, naitala ang 26 na kaso ng plague sa China at 11 ang namatay.

Kaugnay nito, sinabi ni Craig Janes, director ng School of Public Health and Health Systems sa University of Waterloo na hindi ito maituturing na comeback ng bubonic plague at hindi rin kailangan magpanic dahil maaari itong magamot.

“This is kind of normal. It’s not really an issue. It’s expected, and we can treat it,” ani Janes.

 

Via: https://edition.cnn.com/2020/07/06/asia/china-mongolia-bubonic-plague-intl-hnk-scli-scn/index.html, https://www.lucisphilippines.press/2020/07/city-in-chinas-inner-mongolia-warns-of-bubonic-plague.html