International News
China, payag nang subukan sa tao ang 2 experimental COVID-19 vaccines
Payag na ang China na subukan sa tao ang dalawang experimental vaccines na posibleng maging panlaban sa COVID-19 ayon sa ulat ng state media na Xinhua.
Ang dalawang bakuna ay gawa ng Beijing-based unit ng Sinovac Biotech at Wuhan Institute of Biological Products na konektado sa China National Pharmaceutical Group.
Kaugnay nito, patuloy rin ang British firm na AstraZeneca at iba pang bansa sa pagtuklas ng gamot laban sa coronavirus.
Ayon sa World Health Organization (WHO) mayroong halos 20 iba’t-ibang COVID-19 vaccines ang kasalukuyang pinag-aaralan.
Continue Reading