International News
Chinese embassy nagpatulong sa PNP laban sa kidnappings


Nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at China na mas paigtingin pa ang kooperasyon laban sa mga krimen kabilang ang cross-border gambling, cybercrime fraud at kidnapping.
Sa isang pahayag ng Chinese Embassy sa Manila nitong martes, sinabi nito na nagpulong na ang Philippine National Police (PNP) at Chinese Ministry of Public Security (MPS) para pag-usapan ang pagpapaigting ng kanilang laban kontra sa mga krimen lalo na ang mga kidnapping na kinakasangkutan ng mga Chinese nationals.
“At present, MPS and PNP are strengthening mutual cooperation in clues investigation, information sharing and case transfer, so as to strengthen joint efforts to crack down on such crimes,” saad ng embahada.
Inalahad ng China ang kanilang oposisyon sa lahat ng klase ng sugal at binawalan ang mga Chinese nationals sa bansa na sumali o mag-invest sa mga nasabing aktibidad.
“The Chinese side pointed out that gambling not only damages the normal financial order and economic security of a country but also causes vicious crimes such as kidnapping, illegal detention, robbery, drug trafficking and other illegal activities, which seriously endanger legitimate property and personal rights,” lahad pa ng embahada.