International News
CLASSROOM SA KENYA GUMUHO; 7 MAG-AARAL NASAWI, 64 SUGATAN
Nasawi ang pitong mag-aaral habang 64 ang sugatan sa pagguho ng isang classroom sa primary school sa Nairobi, Kenya nitong araw ng Lunes.
Batay sa emergency services, naganap ang insidente sa two-storey ng Precious Talent Top School, pasado alas 7:00 ilang minuto lamang matapos magumpisa ang klase.
Napagalaman ding gawa umano sa kahoy ang instraktura ng silid-aralan.
Ayon naman kay Education Sec. George Magoha, dalawa sa 64 na sugatan ay nagtamo ng malubhang pinsala. Habang ang ibang mag-aaral ay patuloy na ginagamot sa ospital.
“We have regrettably lost seven lives to this morning’s incident, as the learners of Class Five to Eight were starting their morning lessons, 64 children had been taken to hospital for treatment, with two of them having serious injuries.” saad ng Education Cabinet Secretary.
Pahayag naman ng local legislator na si John Kiarie, ang unang palapag umano ng gusali ang gumuho kung kaya’t nakulong ang mga bata sa ibaba nito.
Sinabi din ni Kiarie, ang lugar ay walang pampublikong lupain kung saan magtatayo ng maayos na pampublikong paaralan.
“The disaster highlighted the lack of “regulation of educational institutions, especially those in informal settlement …regulations that pertain to the construction and stability of educational institutions,” wika ni Kiarie.
Samantala, sinisi naman ni Moses Ndirangu, direktor ng paaralan, ang naganap na pagguho ay dahil umano sa konstruksyon ng isang sewer malapit sa lugar.
Aniya posible raw na humina ang pundasyon ng gusali dahil dito.
Ayon naman kay Moses Nyakiongora, opisyal ng National Building Inspectorate, hindi tinayo ng maayos ang nasabing paaralan.
“This school was not properly constructed. It is totally substandard,” sabi ni Nyakiongora.