Connect with us

International News

Daan-daang bahay, natupok ng wildfires sa Oregon, USA

Published

on

Photo Courtesy: California Fire Nevada/Yuba Placer Unit

TINUPOK ng wildfires ang daan-daang kabahayan sa limang bayan na sakop ng Oregon sa Estados Unidos.

Sinabi ni Oregon Governor Kate Brown, na hindi nakatulong ang weather conditions sa lugar dahil mas lalong pinapalakas ng hangin ang sunog.

Umaabot na sa mahigit 500 square miles na ang lawak ng sunog ayon kay Brown.

Posible ring may mga nasawi sa insidente, pero hindi pa tukoy ang bilang nito saad ni Brown, “This could be the greatest loss of human lives and property due to wildfire in our state’s history.”

Ayon sa National Weather Service, umabot na sa hazardous level ang air quality sa ilang rehiyon at libu-libong bumbero na ang nakikipaglaban mula araw hanggang gabi para maapula ang apoy.

Kaugnay nito, patuloy rin ang nangyayaring sunog sa California, nasa 2.5 million acres na ang apektado ng wildfires sa lugar ngayong taon batay sa California Fire Department.