Connect with us

International News

Death toll sa magnitude 7.2 Haiti quake, umakyat na sa halos 2,000!

Published

on

Photo| Unsplash

Pumalo na sa halos dalawang libo o 1,941 ang bilang ng nasawi sa pagyanig ng lindol sa southwestern Haiti noong Sabado, mas mataas ng 500 sa huling datos na naitala.

Nasa 10,00 naman ang sugatan na kinakailangan gamutin sa ospital at marami pa ang nawawala dulot ng 7.2 magnitude na lindol

Apektado rin ang rescue operations dahil sa malalakas na pag-ulan na dala ng Tropical Storm Grace sa Caribbean nation.

Batay sa UN, may nasa 500,000 mga bata ang wala nang matirahan, malinis na inuming tubig at pagkain.

“Countless Haitian families who have lost everything due to the earthquake are now living literally with their feet in the water due to the flooding,” lahad ni Bruno Maes, UN Children’s Fund (Unicef) representative ng bansa.

“Right now, about half a million Haitian children have limited or no access to shelter, safe water, healthcare and nutrition.”

Naglaan ang UN ng $8 million na emergency funds para makapagbigay ng essential healthcare, malinis na tubig, emergency shelter at sanitation sa lahat ng naapektuhan ng lindol.

With reports from BBC News