International News
DFA, hinihikayat ang mga distressed OFW sa Sri Lanka na makipag-ugnayan sa embahada sa Dhaka
Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga distressed overseas Filipino workers (OFW) na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Dhaka o sa Honorary Consulate sa Colombo.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na nakikipag-coordinate na ang kanilang tanggapan sa mga Filipino community leaders upang matukoy ang totoong sitwasyon sa lugar.
Ipinost din ni Arriola ang mga contact information na maaaring tawagan o i-email ng mga Pinoy sa Sri Lanka na gusting magpa-repatriate:
Philippine Consulate in Colombo
- +94 114322267
- +94 114322268
- +94 112307162
- [email protected]
- [email protected]
PHL Embassy in Dhaka, Bangladesh
- +88 01735349427
- [email protected]
DFA- OUMWA
- +63 967 4421825 (Globe)
- +63 908 3442070 (Smart)
- +63 999 9802515
- [email protected]
Maari rin umanong kontakin ng mga OFW ang DFA sa pamamagitan ngkanilang Facebook page.
Kasalukuyang nahaharap ang Sri Lanka sa isang economic hardships na sa tantya ng kanilang finance minister ay maaaring magtagal pa ng higit sa dalawang taon.
Samantala, sinabi naman ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa DFA upang maisakatuparan na ang repatriation ng mga Pinoy sa Sri Lanka.
“Meron nang humihingi ng tulong kaya’t tayo nga ay nakikipag-ugnayan sa DFA at isinasaayos na, alam natin, ng DFA ang repatriation flight. Napipinto na ito,” ani Cacdac.
Mayroon umanong 700 na Pinoy sa Sri Lanka subalit walang Philippine Overseas Labor Office sa Colombo.
Tiniyak din niya na ang pamahalaan ay handang umalalay at mag-abot ng mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhang OFW.