International News
Digmaan ng Russia at Ukraine at ang malaking epekto nito sa Ekonomiya pagkatapos ng 500 Araw
Ang patuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, na umabot na ng mahigit sa 500 araw, ay nagdulot ng malaking epekto sa ekonomiya ng parehong bansa at sa kanilang mga partners sa kalakalan dahil sa mga pagbabago ng presyo ng mga bilihin.
Ang reserba ng Central Bank ng Russia na nagkakahalaga ng 300 bilyong euro ay na-block mula nang magsimula ang digmaan. Mayroon ding mga parusa na ipinataw sa 70% ng mga asset ng bangko ng Russia at sa mga ari-arian ng mahigit sa 1,500 na mga indibidwal at entities.
Bagama’t ang mataas na presyo ng enerhiya ay inasahang nagdulot ng positibong epekto para sa Russia sa unang bahagi ng 2022, ang mga parusang nakatuon sa mga importasyon ng langis ay nagresulta naman sa paglimita ng kita ng Russia.
Ayon sa mga forecast, ang ekonomiya ng Russia, na bumagsak ng 2.1% noong 2022, ay inaasahang patuloy na bababa. Kabilang ang kanilang exports samatala tataas naman ang kanilang imports.
Ang ekonomiya ng Ukraine ay bumagsak ng malaki sa 29.1% noong 2022, at ang kahirapan ay tumaas mula 5.5% hanggang 24.2%.
Tinatayang ang mga pinsala sa mga mahahalagang serbisyo tulad ng kalusugan, edukasyon, at panlipunang proteksyon ay umabot sa $83 bilyon, at ang Ukraine ay mangangailangan ng higit sa $400 bilyon para sa pangkalahatang, upang makabawi at maka pagpa-reconstruct.
Ang digmaan ay nagdulot din ng pagtaas sa gastos para militar ng parehong bansa.