International News
Equador isinailalim sa ‘State of Emergency’ dahil sa transport strike


Nagdeklara ng “state of emergency” si Ecuadoran President Lenin Moreno kasunod ng sumiklab na malawakang protesta dahil sa pagpapahinto sa dekada nang fuel subsidies ng pamahalaan.
Ayon kay Interior Minister Maria Romio, 19 indibidwal ang naaresto dahil sa pagharang daan at krimen.
Kasama sa mga nagprotesta ang mga driver ng taxi, bus at truck at iniharang nila sa lansangan ng Quito at Guayaquil City ang kanilang mga saskayan.
Nakilahok din sa protesta ang mga estudyante, indigenous groups, at mga miyembro ng unyon.
Kinailangan ng mga otoridad na maghagis ng tear gas upang matigil ang protesta.
Ayon sa pamahalaan ng Equador, itinigil ang 40-yr old fuel subsidies upang makatulong sa ekonomiya ng bansa at mapigilan ang smuggling.