Connect with us

International News

EROPLANONG GALING JAKARTA, PINANINIWALAANG BUMAGSAK SA DAGAT

Published

on

Larawan mula sa thestar.co.my

Tinatayang nasa mahigit 60 kabilang na ang tatlong sanggol, ang sakay ng isang Indonesian Boeing 737 na pinaniniwalaang bumagsak sa karagatang sakop ng Indonesia, matapos itong mag-take off mula Jakarta, bandang alas dos (Indonesian time) ng hapon kanina, January 9, 2021.

Ayon sa pahayag ng Director General of Air Transportation of the Ministry of Transportation na si Novie Riyanto, nauna nang nawalan ng kontak ang nasabing eroplano, ilang minuto matapos nitong mag-take off. Sinisikap pa rin umano nilang alamin ang buong pangyayari.

Isang local government official naman ang nagbigay ng pahayag sa isang istasyon ng telebisyon na isang grupo ng mangingisda ang nakakita ng mga posibleng bahagi ng bumagsak na eroplano.

Ang 27-year old na eroplano ay papunta sanang Pontianak. Pinaniniwalaang ang flight SJ182 ay bumagsak sa bandang Lancang Island na kabilang sa Thousand Islands. Nagpadala na ng search and rescue ship sa nasabing lokasyon