Connect with us

International News

Ex-US Pres. Donald Trump binaril sa campaign rally sa Pennsylvania

Published

on

Photo Courtesy: Elon Musk/X

Sugatan si dating US President Donald Trump matapos tangkain umanong barilin habang nagsasagawa ng campaign rally sa Butler, Pennsylvania nitong Sabado.

Ayon sa ulat, sinasabing bumagsak ang dating pangulo matapos ang sunod-sunod na putok kung saan nagsigawan ang mga tao sa lugar.

Nakitang dumudugo ang mukha at tainga ni Trump kaya mabilis itong pinaligiran ng kanyang mga security personnel.

Kaagad naman itong isinugod sa ospital kung saan kinumpirma ni Steven Cheung, ang dating tagapagsalita ni Trump na nasa ligtas na ang dating Pangulo at kasalukuyang ginagamot ang sugat nito.

Samantala, ayon kay Butler county district attorney Richard Goldinger na dalawa ang namatay kabilang ang shooter at isang attendee sa naturang insidente.