Connect with us

International News

Facebook, balak na magpalit ng pangalan – The Verge

Published

on

Photo Courtesy| Unsplash

Nagbabalak ang social media giant na Facebook Inc. (FB.0) na mag rebrand at gumamit ng bagong pangalan sa susunod na linggo batay sa ulat ng The Verge.

Plano raw ni Facebook Chief Executive Officer Mark Zuckerberg na pag-usapan ang bagong pangalan ng kompanya sa taunang Connect conference na gaganapin sa Oct. 28 batay pa sa The Verge.

Isang Facebook spokesperson naman ang nagsabi na hindi sila nagbibigay ng komento sa mga haka-haka at espekulasyon.

Kaugnay nito, target ni Zuckerberg na mag-focus ang Facebook sa pagbuo ng metaverse o tumutukoy sa ‘shared virtual world environment’ kung saan ang mga tao ay makakaaccess nito sa pamamagitan ng internet.

Pahayag ni Zuckerberg noong Hulyo, “In the coming years, I expect people will transition from seeing us primarily as a social media company to seeing us as a metaverse company.”

Nitong Martes, inanunsyo nito na plano nilang magbigay ng 10,000 trabaho sa European Union sa susunod na limang taon para mabuo ang metaverse.