Connect with us

International News

FACEBOOK, NI-BLOCK SI TRUMP HANGGA’T HINDI UMANO ITO BUMABABA SA PWESTO NANG MAPAYAPA

Published

on

Facebook bans Trump

Inanunsyo ng CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg na patuloy na iba-block ng kanyang kumpanya si US president Donald Trump mula sa pagpu-post sa Facebook sa loob ng dalawang lingo o hanggang sa bumaba ito sa pwesto.

Sa isang Facebook post ni Zuckergberg, sinabi niya na masyadong magiging mapanganib kung hahayaan pa nila ang presidente na gumamit ng kanilang mga serbisyo sa kabila ng mga kasalukuyang nangyayari.

“Therefore, we are extending the block we have placed on his Facebook and Instagram accounts indefinitely and for at least the next two weeks until the peaceful transition of power is complete,” dagdag pa ni Zuckerberg.

Nauna nang hinadlangan ng Facebook si Trump na gumamit ng nasabing platform noong nakaraang Miyerkules ng gabi matapos ang marahas na pagsugod ng mga tagasuporta ni Trump sa US. Capitol.

Sinabi ng Facebook na magtatagal lamang ng 24 oras ang blockade ngunit kinalaunan ay nagdesisyon na silang gawing mas agresibo ang aksyon sapagkat ginagamit umano ng presidente ang platform ng Facebook sa konteksto na masyadong malayo sa mga paggamit sa loob ng nakalipas na apat na taon.

Pinagkunan: www.washintontimes.com