International News
Former U.S. Pres Trump, nahaharap sa panibagong kasong may kinalaman sa eleksyon
Muling nahaharap sa panibagong kaso si dating U.S. President Donald Trump, na inakusahan ng pakikipagsabwatan upang manipulahin ang resulta ng halalan noong 2020. Ito ang isa sa apat na kasong kriminal laban kay Trump, na nahatulan noong Mayo ng New York jury dahil sa pamemeke ng mga dokumento. Ang hatol kay Trump ay nakatakda sa Setyembre 18, bagaman humiling siyang ipapagpaliban ito hanggang matapos ang halalan sa Nobyembre 5.
Iniangkop naman ni Special Counsel Jack Smith ang indictment upang ituon ang pansin sa mga kilos ni Trump bilang isang kandidato at hindi bilang nakaupong pangulo. Si Trump nahaharap pa rin apat na kasong kriminal, na patuloy pa rin niyang itinatanggi ni Trump. Ayon sa kaniya, walang batayan ang mga paratang ng pandaraya sa halalan noong 2020.
Pinuna naman ni Republican vice-presidential nominee J.D. Vance ang akusasyon, na tinawag nitong isang pagtatangka upang makialam sa halalan. “Jack Smith is trying to influence the election with these absurd lawsuits,” saad ni Vance,
Hindi rin umano malayong hindi matuloy ang paglilitis bago ang halalan sa Nobyembre, dahil inaasahang gagawa pa ng karagdagang hakbang ang legal team ni Trump upang ipagpaliban ito.