International News
GLOBAL COVID-19 DEATH TOLL, LUMAGPAS NA SA 200K
Paris – Mahigit 200,000 na ang namatay dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), at halos 90 porsyento sa mga ito ang nasa Europa, ayon sa AFP tally.
Sa naitalang kabuuan nasa 200,736 na mga nasawi kabilang na rito ang 122,171 sa Europa, ang higit na tinamaang kontinente, makaraang tumama sa China ang virus nitong Disyembre.
Naitala sa United States ang 53,070 na mga nasawi, kasunod ng Italy na mayroong 26,384 na nasawi, Spain na mayroong 22,902, France na mayroong 22,614 at United Kingdom na may 20,319.
Sa Pilipinas, naitala ang 7,579 na kaso ng COVID-19, ayon sa Department of Health(DOH) , sa kabuuan may 862 recoveries na habang umakyat naman sa 501 ang death toll matapos madagdagan ng 7.
Continue Reading