Connect with us

International News

Gunman sa tangkang pagpatay kay Trump, tinukoy ng FBI

Published

on

Screengrab: Donald J. Trump/Elon Musk

Na-identify na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang gunman sa pag-atake kay ex-President Donald Trump sa rally nitong Sabado sa Pennsylvania.

Nabaril din ng Secret Service agents ang 20-anyos na suspek na si Thomas Matthew Crooks na taga Bethel Park, Pennsylvania.

Binaril ni Crooks si Trump habang nasa rooftop ng kalapit na building bago siya napatay ng secret service.

Kaugnay nito, isang bumbero na dumalo sa rally ang binawian din ng buhay at dalawa pa ang sugatan.

Kinondena rin ni President Joe Biden ang nangyaring pamamaril at sinabing nagkausap sila ni Trump sa telepono.

with reports from CNN/Reuters

Continue Reading