International News
Hate crime sa New York mariing kinondena; Isang señior citizen na Filipina inatake
Kinondena ni Yonkers Mayor Mike Spano at mga local community leaders, kabilang ang Philippine Consul General Elmer Cato ang kamakailang ginawang marahas na pag-atake sa isang senior citizen na Filipina sa Yonkers, New York.
May inilabas na surveillance video ang Yonkers Police Department na nagpapakita ng brutal na pag-atake sa 67-year-old Pilipina ng kanyang neighbor sa Yonkers, New York noong Biyernes.
Ayon sa mga imbestigador, bago pumasok ang Pilipina sa doorway ng kanyang apartment, ang 42-taong-gulang na umatake, na kinilala bilang si Tammel Esco, “hurled a racial slur at her.”
Ngunit, hindi niya ito pinansin, at doon na siyang sinundan ni Esco sa building.
Sinuntok niya ang Pilipina at ito’y natumba. Ngunit, hindi dito tumigil si Esco, patuloy niya pa ring pinag-susuntok ang biktima na umabot sa 125 na beses, at tinadyakan pa ito ng pitong beses, sabay dinuraan.
“You just have to look at this tape and you’re beyond anger,” sinabi ni Spano.
“Any normal person is gonna cry when they see this tape because you see the anger, the venom. It was punches. It was kicks, it was spitting on this defenceless poor woman.”
Nagpahayag rin ng pagkagalit si Lisa Hofflich ng Westchester Asian Democrats sa nangyaring insidente.
“I cried for the woman. And I cried for our Asian American community. A community that is outraged and hurting. Many of us are fearful of going out… We need to have our voices heard.” aniya, batay sa ulat ng ABS-CBN.
“Not the first victim”
Ayon kay Cato, hindi ito ang unang pag-atake sa mga miyembro ng Filipino community nitong nagdaang linggo.
“The incident is actually the third in two days involving a member of the Filipino community. Last Thursday, two members of our community were seriously injured after they were pushed while they were in the subway by unidentified individuals. For the past year, we recorded about 26 cases involving members of our community,” aniya.
Ang latest na biktima na humiling na manatiling anonymous, ay inilipat sa isang ospital at ginamot dahil sa brain bleeding, multiple facial fractures, bruising at lacerations sa ulo at mukha.
“Kausap ko yung anak kanina. Ang sabi sa atin, yung mother niya stable, and they were hoping she would be discharged from the hospital,” sabi ni Cato.
Batay sa Stop AAPI Hate, isang grupo na nag-tratrack ng racism at discrimination laban sa AAPI community, mayroong 10,905 hate incidents laban sa mga AAPI ang naiulat mula Marso 2020 hanggang Disyembre 2021.
Naniniwala ang mga community leaders na marami pang kailangang gawin upang matiyak ang kaligtasan ng Asian Americans bukod sa pagdagdag ng police enforcement.
Si Esco ay kinasuhan ng “attempted murder in the second degree as a hate crime” at “assault in the second degree as a hate crime,” parehong violent felonies. Siya ay kasalukuyang nakakulong nang walang piyansa at nakatakdang humarap sa Yonkers criminal court sa Marso 25.
(ABS-CBN)