International News
Hezbollah nagpakawala ng 200 missiles sa Israel kasunod ng pagkamatay ng kanilang commander
Nagpakawala ng 200 missiles ang Lebanese Hezbollah group sa mga Israeli military sites matapos mapatay ang isa sa kanilang senior commander sa southern Lebanon.
Napatay ang commander ng Aziz Unit ng Hezbollah na si Muhammed Neamah Naser nitong Miyerkules ayon sa Israel Defense Forces (IDF).
Siya ang sinisisi sa pagdidirekta ng mga pag-atake ng terorismo bago at pagkatapos ng pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7 sa Gaza. Siya rin ang katulong ni Sami Taleb Abdullah, isa pang kumander ng Hezbollah na napatay nitong nakaraang buwan.
Bilang ganti sa pagkamatay ng dalawa, nagpaulan ng 200 missiles ang Hezbollah target ang Israel.
Sinabi naman ng IDF na naharang nila ang ilan sa mga missiles at drone ng Hezbollah at gumanti gamit ang kanilang fighter jets.
Isa ang Hezbollah sa pinakamakapangyarihang paramilitary force sa Middle East na may ipinagmamalaking libu-libong mandirigma.