Connect with us

International News

Hijack alarm aksidenteng napindot ng piloto; nagdulot ng panic sa Amsterdam airport

Published

on

Photo: Daily Mail

AKSIDENTENG napindot ng isang piloto ng eroplano ang hijack alarm sa Schiphol airport sa Amsterdam.

Dahil sa aksidenteng pag-activate sa hijack alarm, nag dulot ito ng kaguluhan sa paliparan nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat, nag lunsad ng malaking security operation ang Dutch police at inimbestigahan anila ang “suspicious situation“.

Agad na nirespondehan ng mga kapulisan at pinalibutan ng emergency vehicles ang naturang eroplano.

Iniulat pa ng Dutch media na ang isang meeting sa parliament’s lower house ay nasuspinde dahil sa nangyaring false alarm.

Gayunman, humingi ng paumanhin ang Spanish airline Air Europa dahil sa naganap na insidente sa kanilang eroplano na galing Madrid.

Tiniyak naman ng airline company na walang anumang nangyari sa loob ng eroplano at ligtas ang 27 na pasahero.

“False alarm. In the flight Amsterdam-Madrid this afternoon was activated, by mistake, a warning that triggers protocols on hijackings at the airport.” 

“Nothing has happened, all passengers are safe and sound waiting to fly soon. We deeply apologise,” pahayag ng airline sa kanilang tweet.