Connect with us

International News

Hindi naging matagumpay ang attempt na ilikas ang mga Pilipino mula sa Afghanistan nitong Miyerkules

Published

on

Filipino repatriation

Ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Huwebes, mayroong dalawang hindi matagumpay na attempt upang mailikas ang mga Pilipino mula sa Afghanistan nitong Miyerkules dahil sa cancellation ng lahat ng commercial flights.

Sa kanilang pinaka-bagong situation bulletin, sinabi ng DFA na ang plano nila para sa repatriation flights ay dapat sa pamamagitan ng New Delhi at Islamabad.

“Last night, two attempts were made to evacuate Filipinos via New Delhi and Islamabad. However, these were unsuccessful due to the cancellation of all commercial flights,” batay sa DFA.

“As experienced by the groups last night, access to and even within the airport is very difficult, and if able to check-in, this is still no assurance that a flight would be able to leave,” dagdag nila.

Ayon sa DFA may mga iba na nakalikas sa pamamagitan ng tulong ng mga foreign employers. Pito ay nakumpirmang nakalikas na sa Qatar, habang may lima naman sa United Kingdom.

“There are reports of other Filipinos who have left Kabul which our embassies are verifying. In all cases, the DFA will assist in their return to the Philippines,” sinabi ng department.

Nagbigay ng payo ang DFA sa mga OFWs at sa iba pang mga Pilipino na nasa Afghanistan pa rin na, “be prepared to leave at moment’s notice, and to be able to travel with minimal luggage” sapagkat, ang Pilipinas ay, “exhausting all avenues to ensure their safety and eventual evacuation.”

Inilagay sa Alert Level 4 ang Afghanistan noong katapusan ng linggo
matapos makuha ng Taliban ang mga key cities, kabilang ang capital Kabul. Sa ilalim ng alert level, magsasagawa ng mandatory evacuation ang Pilipinas sa lahat ng mga Pilipino na nandoon sa area.

Mayroong 35 mga Pilipino ang nakarating na sa Manila nitong Martes, matapos silang inilikas ng kani-kanilag mga kumpanya palabas ng Afghanistan.

Halos 130 mga Pilipino ang na-estimate na nasa Afghanistan noong nag-simula ang krisis. Lahat ng mga nag-tratrabaho doon ay itinuturing “undocumented” ng gobyerno ng bansa sapagkat walang itong umiiral na labor agreement sa Middle Eastern country.

Ang mga nanatiling Pilipino sa Afghanistan ay pinayuhan na tumawag at mag-reach out sa mga sumusunod ng mga contact.
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamabadpe or facebook.com/OFWHelpPH
Email: [email protected]

Reports from ABS-CBN