International News
Huling 2 Palestinian prisoners na nakatakas, kusang-loob na sumuko
Nasa kamay na ng mga Israeli police ang dawalang bilanggo na nakatakas sa maximum-security prison mahigit sampung araw na ang nakalilipas.
Ayon sa mga pulis, nahuli ang dalawa sa eastern district ng Jenin City.
Batay kay Fouad Kamamji, ama ng presong si Ayham Kamamji na muling naaresto nitong Linggo, nagbuwis-buhay ang kanyang anak para makatakas, nagawa pa raw nitong makapunta sa Jenin sa kabila ng dagdag na nakabantay na militar at teknolohiya ng Israel.
Kinilala ang mga takas na sina Ayham Nayef Kamamji at Munadel Yacoub Infai’at Kamamji, 35, naaresto noong 2006 at hinatulan ng habang buhay na pagkakakulong, si Infai’at, 26, ay naaresto noong 2019 batay sa Palestinian Prisoners Club.
Nakatanggap ng tawag si Fouad Kamamji mula sa kanyang anak na nagsasabing napapalibutan na sila ng mga otoridad sa Jenin at kusa naman itong sumuko para sa kaligtasan ng ibang tao.
“For the safety of the people I’m staying in, I am turning myself in,” saad umano ni Ayham sa kanyang ama.
Samantala, ayon naman sa pamilya ni Munadel Infai’at sa Ya’bad, Jenin, napanood lang nila sa TV interview ang pagkakaaresto sa kanyang anak.
Nakatakas ang mga bilanggo sa sa kulkungan sa pamamagitan ng paghuhukay ng tunnel sa ilalim ng kanilang selda gamit ang mga kutsara, plato at hawakan ng takuri.