International News
“I am not very interested in money” sinabi ng hacker sa likod ng pinakamalaking crytocurrency heist
Mga hackers na nasa likod ng pinakamalaking cryptocurrency heists, binalik ang 1/3 ($260M) ng $613 million digital coins na kanilang ninakaw, ayon sa kumpanya na nasa gitna ng hack kahapon.
Ayon sa Twitter message ng Poly Network, isang decentralized finance platforms na nangangasiwa ng peer-to-peer transactions, ang $260 million na nanakaw na pondo ay naibalik na, ngunit may natitira pang $353 million.
Saad ng kumpanya, na pumapayag sa pag swap ng tokens sa iba’t-ibang blockchains, noong Martes, na sila’y na-hack at nagbanta ng legal action laban sa mga hackers, hinimok rin nila ang mga salarin na ibalik nila ang mga ninakaw.
Pinagsamantalahan ng mga hackers ang vulnerability sa digital contracts ng Poly Network na kung saan ginagamit nila ito para sa pag move ng mga assets sa iba’t ibang blockchains, ayon sa blockchain forensics company, Chainalysis.
Isang tao na umaangkin na gumawa ng hack ay sinabing ginawa nila ito “for fun” at “expose the vulnerability” bago pa malaman ng iba, ayon sa digital messages na binahagi ni Elliptic, isang cryto tracking firm at Chainalysis.
Sinasabi na “always the plan” ang pag-sauli ng mga tokens, dagdag pa ng nasabing hacker “I am not very interested in money.”
Hindi pa nakikilala ang mga hackers.
Ayon naman kay Tom Robinson, ang co-founder ng Elliptic, na ang desisyon na ibalik ang pera ay dahil sa mahirap na pag lauder ng napakaraming stolen crypto.
“Even if you can steal cryptoassets, laundering them and cashing out is extremely difficult, due to the transparency of the blockchain and the broad use of blockchain analytics by financial institutions,” sabi ni Robinson.
Source: GMA News, Reuters