Connect with us

International News

ICC Tinanggihan ang pagtangka ng Pilipinas na Harangin ang Imbestigasyon sa ‘Drug War’ ni Duterte

Published

on

duterte

Sa isang napakalaking hakbang patungo sa katarungan para sa mga biktima at kanilang mga pamilya, itinuloy ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa posibleng “crimes against humanity” na nagawa noong termino ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang “drug war”.

Nitong Martes, ibinasura ng ICC ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na hadlangan ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga piskalya sa madugong “war on drugs” ni dating Pangulong Duterte. Ayon kay ICC Judge Marc Perrin de Brichambaut, ang pagkakabasura ng apela ng Pilipinas sa ICC ay nangangahulugang naubos na ng Pilipinas ang mga opsyon nito para mag-apela.

Higit sa 6,000 katao ang nasawi sa mga operasyong anti-droga mula ng simulan ni Duterte ang kontrobersyal na drug war pagkatapos niyang maupo noong 2016, base sa datos ng pulisya. Marami sa mga extrajudicial killings ng mga hinihinalang nagbebenta ng droga ay nangyari sa mga pinakamahirap na lugar ng bansa – at pinaniniwalaan ng mga independent monitor na mas mataas pa ang bilang ng mga napaslang.

Inilunsad ng ICC ang mga plano para sa isang imbestigasyon noong Pebrero 2018 ngunit ito’y sinuspinde noong Nobyembre 2021 sa kahilingan ng Pilipinas na nagsasabing ito na mismo ang magtataguyod ng sariling pag-iimbistiga.

Pero sa ilalim ng mekanismo ng pag-alis sa ICC, nananatili ang hukuman sa pagkakaroon ng hurisdiksyon sa mga krimen na nagawa habang miyembro ng estado – sa kasong ito, mula 2016 hanggang 2019, nang opisyal na maging epektibo ang pag-alis ng Pilipinas.

Isang araw bago ang hatol, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi isasagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang mga utos na pagaresto na ibibinigay ng ICC kung ito’y magpapatuloy sa imbestigasyon, binibigyang-diin na may sariling legal system ang bansa para sa mga krimen na may kaugnayan sa droga.

Ang hatol ng ICC nitong Martes ay “sumusunod na hakbang patungo sa katarungan para sa mga biktima at kanilang pamilya,” sabi ni Bryony Lau, deputy Asia director ng Human Rights Watch, sa Twitter.