Connect with us

International News

ILANG MALALAKING BANSA SA EUROPE, SINUSPENDE ANG PAGTUROK NG ASTRAZENECA VACCINE

Published

on

SINUSPENDE ng ilang bansa sa Europa ang pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines kasunod ng mga naiulat na ilang pasyente ang nakaranas ng “blood clot” matapos na mainiksyunan.

May nasa 10 bansa na sa Europa ang nagsuspende ng pagbakuna. Naunang nagsuspende ang Austria makaraang mamatay sa pamumuo ng dugo ang isang pasyente matapos matanggap ang unang shot ng bakuna.

Sinundan ito ng Denmark kung saan isang babae rin ang namatay nang maturukan nito.

Inihinto na rin muna ng France, Italy, Spain, Norway, Netherland, Estonia, Latvia, Lithuania, Luxembourg at Ireland ang pagbibigay ng bakuna.

Giit naman ng AztraZeneca, walang ebidensya na may kinalaman ang pamumuo ng dugo sa bakuna.

Sa kabila nito, rekomendado parin ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng AstaZeneca.

Tinawag pa itong “safe and effective” ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau.