International News
Ilog sa South Korea nagkulay pula
Nagkulay pula ang isang ilog sa South Korea matapos katayin ang mahigit 50,000 baboy na may African Swine Fever (ASF).
Isinailalim sa culling ang aabot sa 47,000 na baboy para maiwasan ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa kanilang bansa.
Ginawa ang pagkatay ng mga baboy malapit sa Imjin River na nasa inter-Korean border pero dahil sa malakas na pag-ulan ay umagos sa ilog ang dugo ng mga kinatay na baboy.
Siniguro naman ng South Korean authorities na hindi na kakalat pa ang virus ng ASF sa mga dugo dahil “disinfected” na umano ang mga baboy bago katayin ang mga ito.
Noong Septyembre ay nakumpirma na ng South Korea na tinamaan na rin sila ng ASF virus.
Pinaniniwalaang galing ng North Korea ang ASF kung saan unang nagkaroon ng kaso ng pagkakasakit ng mga baboy mula pa noong buwan ng Mayo.
Source: Radyo Inquirer