International News
Ipinapalikas na ng DFA ang mga Filipino sa Afghanistan sa gitna ng nangyayaring kaguluhan doon
Nagsimula nang ilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino na nasa Afghanitan, sa gitna ng paglala ng security doon.
Mayroong estimated 130 mga Filipino ngayon sa Afghanistan, kung saan nasa ilalim na ito ng Taliban matapos lumikas si Afghan President Ashraf Ghanin upang maka-iwas ng bloodshed.
Nitong Linggo ng gabi, 32 mga Filipino ay dinala sa Doha. Naghihintay na sila ngayon ng kanilang flight pauwi. Mayroong ring grupo ng 19 mga Filipino na handa nang umalis agad.
Sa isang pahayag nitong Lunes, tiniyak ng DFA ang publiko na gumawa na sila ng “arrangements for the repatriation of Filipinos left in Kabul, Afghanistan.”
Ang foreign service posts ng DFA sa rehiyon ay, “exploring all avenues of cooperation and are closely coordinating with governments and international partners to guarantee their immediate and safe passage.”
Nag-react naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Linggo sa isang remark ng netizen sa Twitter na sinasabing, hindi na makaka-alis ang mga civilians sa Kabul dahil tinake over na ng United States Army ang Kabul airport, sagot ni Locsin, What are you saying, I cannot repatriate my nationals? I am chartering a plane to get them out.”
Itinaas ng Foreign Affairs department sa Alert Level 4 ang buong Afghanistan dahil sa” uncertainty” ng security situation ng bansa.
Inilalagay lamang sa Alert Level 4 kapag mayroon “internal conflict or full-blown external attack.” Ito ang nag-cocompel sa DFA na magsagawa ng mandatory evacuation para sa mga Filipinos sa area.
Tinatawag lahat ng Filipino sa Afghanistan ng DFA na makisama sa repatriation effort at dapat i-contact na nila agad ang Philippine Embassy sa Pakistan, kung saan ito ay may jurisdiction sa Afghanistan.
Source: ManilaTimes.Net