Connect with us

International News

Italy isinailalim sa total lockdown, kaso ng COVID-19 sa bansa umakyat sa mahigit 9,000

Published

on

Photo courtesy| https://headtopics.com

Ipinatutupad ngayon sa Italy ang total lockdown makaraang umakyat ang kaso ng COVID-19 sa mahigit 9, 172 na kung saan 463 ang nasawi.


Nitong Lunes, inanunsyo ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte na bawal na rin ang lahat ng uri ng public events sa Italy.


Sarado na rin ang mga paaralan, gyms, museums, nightclubs, at iba pang public venues sa bansa.


Ayon kay Conte, hakbang ito ng gobyerno para protektahan ang populasyon lalo na ang mga mahihinang indibidwal.


Ang Lombardy ang pinaka-apektadong lugar sa bansa na mayroong 16 million na populasyon, punuan na ang mga ospital sa lugar at napipilitan nang magsagawa ng intensive care service sa mga corridor.


Pumapangalawa na ngayon sa China ang Italy sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng tiinamaan ng sakit.


Source: https://edition.cnn.com/2020/03/09/europe/coronavirus-italy-lockdown-intl/index.html