Connect with us

International News

Japan, muling magbubukas para sa mga foreign tourists

Published

on

📷: Travel Radar

Muling bubuksan ng Japan ang borders nito para sa mga foreign tourists, matapos ang halos dalawang taon.

Niluwagan na rin ang travel restrictions para sa mga foreign residents at business travellers. Samantala, simula Hunyo 1 ay lilimitahan lamang sa 20,000 kada araw ang foreign arrivals.

Sa kabila nito, mananatili ang ilang restrictions, at ang makakapasok lamang sa bansa ay ang mga bahagi ng tour groups.

Ang mga tour groups ay makapapasok sa Japan simula Hunyo 10. Gayon pa man, ang halos 100 bansang makapapasok lamang sa Japan ay itatalaga sa tatlong risk categories na  red, yellow, at blue.

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan, ang mga nasabing kategorya ang magiging batayan kung sino ang maaaring hindi na dumaan sa quarantine measures ng bansa.

Continue Reading