International News
JAPANESE PRIME MINISTER SHINZO ABE, NAG-RESIGN


Inanunsyo ni Japanese PM Shinzo Abe ang kanyang pagbibitiw sa pwesto dahil sa kundisyon ng kanyang kalusugan.
Ayon kay Abe, ayaw niya na maging hadlang ang kanyang sakit sa mga decision making at humingi siya ng paumanhin sa mga Japanese dahil sa kabiguan na tapusin ang kanyang termino.
Ilang taon na ring iniinda ni Abe ang sakit na ulcerative colitis o ang inflammatory bowel disease at mas lumala ang kanyang kundisyon kamakailan lamang.
Noong nakaraang taon, naging “longest serving prime minister” sa Japan si Abe. Nagsimula ng kanyang termino si Abe bilang PM noong 2012.
Nakilala si Abe bilang conservative at nationlist at ang pag stimulate niya ng economic growth sa pamamagitan ng agresibong polisiya na tinatawag na “Abenomics”.