Connect with us

International News

KASO NG COVID-19 SA BUONG MUNDO, MAHIGIT NA SA 23 MILLION

Published

on

Umaabot na sa 23,037,518 ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa inilabas na tally ng Johns Hopkins University, 801,060 na ang namatay sa virus at 14,778,188 naman ang gumaling na.

Nangunguna pa rin ang Amerika sa may pinakamaraming kaso ng namatay.

Umaabot sa 5,648,235 ang kaso sa Estados Unidos na may 175,843 ang namatay.

Samantala, nananatili naman sa ika-22 na pwesto ang Pilipinas na may 189, 601 na kaso.

188 na mga bansa at rehiyon ang naapektuhan ng COVID-19.