Connect with us

COVID-19

Katapusan ng COVID-19 Pandemic malapit na, ayon sa bagong pag-aaral dahil sa Omicron variant

Published

on

End of Pandemic

May mga bagong pag-aaral na nagpapakita na nagsisilbing liwanag ang Omicron variant: Sa kabila ng pagtaas ng mga kaso, ang bilang ng mga severe cases at mga na-aadmit sa ospital ay nananatili pa ring mababa. Ayon sa mga scientists, ito ay naghuhudyat ng bago at hindi malalang bahagi ng pandemya.

“We’re now in a totally different phase,” sabi ni Monica Gandhi, isang immunologist sa University of California, San Francisco. “The virus is always going to be with us, but my hope is this variant causes so much immunity that it will quell the pandemic.”

Nadiskubre ang Omicron variant sa South Africa noong nakaraang buwan, at nag-iingat ang lahat dahil maaring pang magbago ang sitwasyon sa susunod na mga panahon.

Ngunit, base sa mga datos nang nakaraang linggo, ipinapakita na ang widespread immunity kasabay ng numerous mutation ay nag resulta sa isang virus na nagdudulot ng less severe disease kumpara sa mga naunang variations nito.

Sa isang pag-aaral sa South Africa ang nakitaan na mayroong less severe disease ang mga taong na-admit sa hospital dulot ng Omicron variant kumpara sa mga taong mayroong Delta-variant. “The data is quite solid now that hospitalizations and cases are decouples,” ayon kay Wendy Burgers, isang immuniligist sa University of Cape Town.

May mga ilang aspeto na nagpapakita kung bakit less virulent ang Omicron variant kaysa sa iba pang mga variant. Ang isa ay dahil hindi kayang i-infect ng Omicron virus ang mga baga. Kadalasan, nagsisimula ang COVID infections sa ilong at kumakalat ito sa lalamunan. Ang mild infection ay umaabot lamang sa upper respirtory tract, ngunit pag nakaabot ang virus sa baga, dito nagaganap ang mas malalang sintomas.

Dagdag pa ni Monica Ghandi, na kahit tumataas ang bilang ng mga kaso, umaasa siya na ang high transmissibilty at mild infections ng Omicron variant ay isang hudyat na simula na ang katapusan ng pandemya.

“I hope this variant creates profound immunity in the population,” sabi niya. “It will hopefully end the pandemic.”

(Source: Fortune, BY KRISTEN V. BROWN AND BLOOMBERG)