Connect with us

International News

Kidlat sa Pakistan, pumatay ng 14 na indibidwal

Published

on

Photo| Unsplash

Nasa 14 na indibidwal ang binawian ng buhay habang tatlo naman ang sugatan nang tamaan ng kidlat ang dalawang bahay sa Pakistan.

Naganap ang insidente sa Torghar, mabundok na bahagi ng probinsya ng Khyber Pakhtunkhwa.

Sa ulat ng Agence-France-Presse, sinabi ng tagapagsalita ng Kamran Bangash na magkakatabi lang ang bahay ng mga biktimang tinamaan ng kidlat.

Kabilang sa mga nasawi ang 5 bata at at apat na mga kababaihan.

Matatandaang, noong November 2019, 18 katao din ang namatay nang tamaan ng kidlat sa Thar desert ng Pakistan.