Connect with us

International News

Lalaking namatay sa bus sa China, positibo sa ‘hantavirus’

Published

on

Photo:Reuters

Isang lalaki sa Yunnan, China ang namatay matapos magpositibo sa Hantavirus habang lulan ng isang bus papuntang Shandong province sa kasagsagan ng corona pandemic.

Sa ulat ng Global Times, 32 na iba pang sakay ng bus ang nagpositibo sa virus.

Nagdulot ito ng pangamba at panic sa social media gayong nagsisimula nang maging maluwag ang China sa pagpapatupad ng mahigpit na quarantine mula sa COVID-19.

Gayunpaman, mabilis na nilinaw ng mga eksperto na ang ‘hantavirus’ ay matagal na.

Ayon kay Swedish scientist Dr. Sunaiya Shaikh, unang lumutang ang virus noong 1950s sa kasagsagan ng American Korean War sa Korea partikular sa (Hantan River).

Mula ang virus sa daga at naipapasa sa tao ngunit bihira lang ang human to human transmission nito.

“Please do not panic, unless you plan to eat rat,” saad pa nito.

Ayon sa US Center for Disease Control and Prevention (CDC), bihira lang ang kaso ng hantavirus pero 38% ang death rate nito.

https://nypost.com/2020/03/24/man-who-died-on-bus-in-china-tests-positive-for-hantavirus/