Connect with us

International News

LIBINGANG HIGIT 2,000 TAON NA ANG TANDA, AKSIDENTENG NAHUKAY SA GITNA NG KALSADA SA PERU

Published

on

Naghuhukay sa kalsada ng Lima, Peru ang mga mangagawang maglalatag umano ng gas pipes nang mahukay nila ang isang libingan na higit 2,000 taong na ang tanda.

Ayon sa archaeologist na si Cecilia Camargo, ang nahukay na pre-Hispanic gravesite na ito ay naglalaman ng mga burial vessels na gawa sa porselana.

“So far, there are six human bodies that we have recovered, including children and adults, accompanied by a set of ceramic vessels that were expressly made to bury them,” ani Camargo.

Naghukay sa kalsada ang mga manggagawa ng Callida, isang kumpanya na nagsusuplay ng natural gas sa Lima, nang matagpuan nila ang sinaunang burial site.

Sapagkat madalas na may matagpuang mga antigong artifacts at labi sa Peru, lahat ng mga kumpanyang nagsasagawa ng mga pampublikong serbisyo na may kaugnayan sa paghuhukay ay mayroong in-house archaeologists tulad ni Camargo.

Via TBK Glesi Sinag
Pinagkunan: www.phys.org/www.gulfnews.com
Larawan mula kay Ernesto Benavides ng AFP.

Continue Reading