Connect with us

International News

Lugar sa Indonesia, nalubog sa mala-dugong baha

Published

on

Larawan mula sa nypost.com

Pinagkaguluhan sa social media ang mala-dugong baha sa Jenggot, Indonesia noong nakaraang Sabado.

Makailang beses ni ibinahagi sa Twitter ang mga larawan at videos ng nasabing lugar sa lungsod ng Pekalongan, Central Java, kung saan sinasabi ng mga netizens na hindi nila maiwasang ihalintulad ang baha sa dugo.

Bagama’t marami ang kinilabutan sa mga larawan sa social media, may ilan namang nababahala sa ibang dahilan.

Ayon sa isang Twitter user na si Ayah E Arek-Arek, “I am so afraid if this photo gets into the bad hands of hoax spreaders.” Dagdag pa niya, “Fear mongering narratives about signs that it is the end of the world, bloody rain etc.”

Bagamat hindi na bago sa mga residente ng naturang lungsod ang pagbaha, naging usap-usapan pa rin ang pula nitong kulay.

Kinupirma naman ni Dimas Arga Yudha na siyang namumuno sa Pekalongan disaster relief, na ang mga larawang kumalat sa internet ay lehitimo.

Sinasabing ang bahang nagmistulang dugo ay dahil sa nagkalat na pulang pangkulay ng isang pagawaan ng batik na nasalanta ng baha.

Ang Pekalongan ay kilala sa paggawa ng batik. Isa itong paraan ng pagkulay, na kadalasan ay isinasagawa sa tela at mga damit.

Ayon kay Yudha, “The red flood is due to the batik dye, which has been hit by the flood. It will disappear when it mixes with rain after a while.”