Connect with us

International News

Mahigit 1,000 patay, 1,500 sugatan sa lindol sa Afghanistan

Published

on

Humigit kumulang 1,000 ang namatay habang lampas 1,500 naman ang sugatan dahil sa lindol sa Afghanistan.

Ang 6.1 magnitude na lindol ay naganap kahapon ng umaga sa bayan ng Khost, malapit sa Pakistani border. Ang pagyanig ay naramdaman din ng mga taga Pakistan at India.

Ayon kay interior ministry official Salahuddin Ayubi, nagpadala na ang pamahalaan ng mga helicopters na maghahatid ng pagkain at medical supplies sa mga biktima ng lindol.

Dagdag pa ni Ayubi, “The death toll is likely to rise as some of the villages are in remote areas in the mountains and it will take some time to collect details.”

Sa isang Twitter post naman ipinadaan ng director-general ng Bakhtar news agancy na si
Abdul Wahid Rayan, nasa 90 mga bahay sa Paktika Province ang gumuho. Pinaniniwalaan ding marami pa ang maaaring na-trap sa mga ito.

Karamihan ng mga nasawi ay mula sa Paktika, ani Mohammad Nassim Haqqani na pinuno ng Taliban Natural Disaster Ministry.

Dagdag pa niya, maaari pang tumaas ang bilang ng mga nasawi habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Ayon sa tanggapan ng U.N. Coordination of Humanitarian Affairs, humingi na ng tulong ang Afghanistan sa mga humanitarian agencies para sa rescue operations.

Continue Reading