Connect with us

International News

MAYOR NG MEXICO KINALADKAD AT ITINALI SA TRAK DAHIL SA HINDI PAGTUPAD SA PANGAKO NOONG KAMPANYA

Published

on

Kinaladkad palabas ng kanyang opisina, binugbog, at pagkatapos ay tinali sa isang pickup truck at muling kinaladkad sa mga lansangan ang isang alkalde sa Northern Mexico.

Base sa impormasyon, naganap ang insidente nitong Martes sa bayan ng Las Margaritas nang biglang lumusob ang nasa 30 na magsasaka sa loob opisina ni Mayor Jorge Luis Escandón Hernández.

Ayon sa otoridad, ito ang pangalawang pag-atake ng mga magsasaka sa alkalde.

Hinihiling umano ng mga magsasaka na sana’y tuparin na ni Hernández ang kanyang pangako noong panahon pa ng kampanya na ayosin ang isang lokal na kalsada at ang pangako nitong mag-bigay ng probisyon para sa maiinom na tubig at kuryente sa halos 500 na komunidad.

Gayunman, napalaya naman ang alkalde sa tulong ng pulisya at naiulat na hindi nagkaroon ng malaking pinsala.

Samantala inaresto ang 11 katao dahil sa nangyaring insedente.

Kasalukuyang mahigpit na ang seguridad ngayon ng kapulisan sa opisina ng alkalde.