Connect with us

COVID-19

Mayroong bagong variant ng Covid-19 ulit na na-detect sa South Africa

Published

on

COVID-19 South Africa

May bagong Covid-19 variant nanamang na-detect sa South Africa, na batay sa mga scientists, mayroong “large number of mutattions,” ito rin ang sinasabing dahilan ng pag-taas ng kaso sa bansa.

“Unfortunately we have detected a new variant which is a reason for concern in South Africa,” sinabi ni virologist Tulio de Oliveira sa isang news conference, batay sa ulat ng Manila Bulletin.

Wala pang Greek name na ibinigay ang World Health Organization (WHO) para dito, pero umaasa si Oliveira na mapapangalanan ito sa Biyernes.

Ang variant na ito ay may scientific lineage number na B.1.1.529 at “has a very high number of mutations,” ayon kay Oliveira.

“It’s unfortunately causing a resurgence of infections,” aniya.

Batay kay South African Health Minister Joe Phaahla, ang bagong variant ay “serious concern” at ito ang dahilan ng “exponential” na pag-taas ng naiulat na kaso, kaya isa itong “major threat.”

Ang daily number of infections ng bansa ay umabot ng 1,200 noong Miyerkules mula sa 106 nitong mga unang araw ng buwan.

Nabanggit rin ni Oliveira na ang variant, ay na-detect sa Bostwana at Hong Kong sa mga travelers mula South Africa.

Ayon sa government-run National Institute for Communicable Diseases (NICD), mayroong 22 kaso ng B.1.1.529 variant ang naitala sa bansa.

Sinabi naman ng WHO na “ they are closely monitoring” ang naiulat na bagong variant at magkakaroon sila ng technical meeting upang ma-determine kung ito ba ay isang variant of “interest” o “concern.”

“Early analysis shows that this variant has a large number of mutations that require and will undergo further study,” dagdag ng WHO.

(Manila Bulettin)

Continue Reading