Connect with us

International News

Meta, pinakilala na sa publiko ang chatbots na may personalidad

Published

on

Pinakilala na ng Meta Company ang bagong chatbot na maaring gamitin sa Messenger app.

Ang chatbot ay may personalidad na katulad sa mga tao na may specialty sa ibat’t ibang bagay tulad ng mga cooking advice.

Ito ang pinakabagong salvo sa isang chatbot arm race sa pagitan ng mga tech na kumpanya na desperado na makagawa ng makatotohanan at personalized na artificial intelligence.

Ayon kay Mark Zuckerberg, sa kabila ng pagprogresso ng chatbot may limitasyon pa rin ito sa pag sagot at maibibigay na impormasyon.

Ilang sikat na mga personalidad din ang nag-sign up para ipahiram ang kanilang mga personalidad sa iba’t ibang uri ng chatbots, kabilang sina Snoop Dogg at Kendall Jenner.

Base sa Meta, ang NFL star na si Tom Brady ay gaganap ng isang AI character na tinatawag na ‘Bru’, “isang wisecracking sports debater” at ang YouTube star na si MrBeast ay gaganap bilang ‘Zach’, isang malaking kapatid na “who will roast you”.

Ang nasabing chatbot ay ilalabas muna sa US sa mga darating araw.