Connect with us

International News

MEXICO BAR ATTACK: 2 PINOY SEAFARERS, KASAMA SA 26 NASAWI

Published

on

Police officers guard the scene outside the bar after the attack. (AP: Felix Marquez)

2 pinoy seamen ang kabilang sa 26 na napatay sa nangyaring bar attack sa Gulf Coast city ng Coatzacoalcos, Mexico, nitong Martes.

Sa pahayag ni Ramón Guzman, agent ng Caribe Lisa ship, matapos makarating ang kanilang barko galing Houston, naka shore leave umano ang dalawang pinoy.

Nagtungo ang dalawa sa “Bar Caballo Blanco” or “White Horse Bar” na kung saan naganap ang arson attack, ngunit hindi na ito nakabalik.

Nakilala ang mga pinoy seamen na sina Nathaniel Apolot Alindan, 34 anyos, ng Bakun, Benguet at Si Bryan Varron ng Ormoc, Leyte.

Batay sa ulat, napag-alamang kasama si Alindan at Varron sa nakumpirmang napatay sa naganap na pag-atake sa naturang bar.

Ayon sa awtoridad isinara ng mga suspek ang mga emergency exits ng bar at saka nagpasiklab ng apoy.

Labis naman ang pagkondena ni President Andrés Manuel López Obrador sa nangyaring insidente.