Connect with us

International News

Mga bangkay sa sementeryo sa France, inanod ng baha

Published

on

Photo| enlish.newstracklive.com

INANOD ng rumaragasang tubig baha ang napakaraming bangkay sa isang sementeryo sa Southern France makaraang hagupitin ng bagyo.

Halos mabura ang buong sementeryo sa lalawigan ng Saint Dalmas de Tende nang anurin ng tubig sa Mediterranean Shore ang may nasa 150 labi at mga nitso ng patay.

Tinawag ni Mayor Jean-Pierre Vassallo na ‘apocalyptic’ ang insidente.

Samantala, natagpuan na ng Italian authorities ang apat na patay na inanod sa dalampasigan sa bayan ng Ventimiglia at Santo Stefano al Mare, malapit sa border ng France at isa pa na malapit naman sa ilog ng naturang lugar.

Nasa advanced state of decay na ang mga bangkay ayon sa French officials. “These aren’t recent deaths … but old cadavers which likely correspond to bodies from the (French) cemeteries that were engulfed by floodwater.”

Kaugnay nito, tinutulan ng mga residente ang muling pagtatayo ng sementeryo sa kanilang lugar.”You cannot rebuild a cemetery,” ayon sa residenteng si Chantal Bocchin. “It’s not worth rebuilding when there’s no one left.”