Connect with us

International News

Mga di bakunado sa Kazakhstan, ban sa mga mall at restaurants

Published

on

Photo| Unsplash NOTE: This photo is for illustration purposes only

Iba-ban na sa mga shopping malls, restaurants at cafes ang mga “unvaccinated” o dibakunadong residente ng Kazakhstan.

Inihayag ito ng Kazakhstan nitong Miyerkoles bilang parte ng kanilang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kailangan magpakita ng “green status” sa isang mobile app ang mga taong gustong mag-shopping o kumain sa mga restaurants bilang patunay na sila ay nakatanggap na ng bakuna, negatibo sa test o magaling na sa sakit sa loob ng tatlong buwan.

Epektibo na ang patakaran na ito ngayong Sabado.

Nakapagtala na ang Kazakhstan ng 823,189 COVID-19 cases na may 8,643 related deaths.

Fully vaccinated na rin ang 5.1 million katao na nasa kwarter na ng kanilang populasyon.