International News
Mga doktor, naglabas ng warning tungkol sa tumataas na HMPV cases sa China, Malaysia at US
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2025/01/web.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2025/01/web.jpg)
Nanawagan na ang mga doktor mula Estados Unidos at iba pang Western countries sa China para ilabas na ang mga detalyeng tungkol sa tumataas na HMPV cases.
Ayon sa ulat, hinihintay pa ang komento mula sa Beijing tungkol sa nag-viral na video kung saan makikita na punuan ang mga waiting room at wards.
Kaugnay nito, naglabas naman ng warning ang senior lecturer sa public health sa Flinders University sa Australia na si Dr. Jacqueline Stephens tungkol sa posibleng global outbreak.
Ayon kay Dr. Stephens, mas maingat na ang mga tao sa mga outbreak ngayon at kung marinig umano ang salitang ‘human metapneumovirus’ ay nakakatakot umano itong pakinggan.
Matatandaan na noong Disyembre 27, 2024, binabantayan ng Chinese authorities ang tumataas na mga kaso ng human metapneumovirus (HMPV).
Kahit mababa ang tsansang maging pandemya ito, ikinababahala ng ibang mga bansa na kulang ang transparency mula sa China at halos magkatulad ito sa mga sitwasyon bago pumutok ang COVID-19 sa buong mundo.
Iniulat na tumataas din ang kaso ng HMPV sa Estados Unidos at Malaysia. | John Ronald Guarin