Connect with us

International News

Mga Ekonomista ng gobyerno nakabantay sa epekto ng giriang Iran, US

Published

on

Nakamasid ang mga economic manager ng gobyerno sa posibleng epekto ng iringan sa Gitnang Silangan partikular sa bansang Iran at Amerika.

Kasunod ito ng paglikida ng US forces sa top military official ng Iran na si Qasem Soleimani sa bansang Iraq.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kayang tugunan ng gobyerno ang anumang krisis na maaaring umusbong mula sa Middle East at pinaghahandaan na ito.

Nakamonitor aniya si National Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia at pinag-aaralan ang epekto ng tensiyon.

“Sabi ni Secretary Pernia eh minomonitor nila at tinitingnan nila ang magiging epekto para paghandaan nila. I’m sure ‘yung economic managers natin mayroon silang ginagawa upang tugunan kung anuman ang krisis na darating arising out of the Middle East tension,” ani Panelo.

Nangangamba ang publiko sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto na maaaring maging epekto ng gusot sa pagitan ng Iran at Amerika.

Article: ABANTE