Connect with us

International News

MGA ESKWELAHAN SA INDIA, IPINASARA DAHIL NASA DANGEROUS LEVEL NA ANG POLUSYON

Published

on

Ipinasara ng mga otoridad sa Delhi, India ang mga paaralan at kolehiyo bunga ng lumalala at nakakabahalang polusyon sa hangin.

Nakataas na sa dangerous level ang air pollution sa kabisera ng India kaya inabisuhan ang mga mamamayan na manatili lamang sa kani-kanilang pamamahay.

Batay sa Commission for Air Quality Management ng New Delhi, mananatiling sarado ang mga paaralan, tigil operasyon ang mga gawaing may kinalaman sa konstruksiyon maging ang pagpapapasok ng mga truck, maliban sa mga magdadala ng kalakal.

Hinikayat pa ng komisyon ang mga pribadong kompanya na ipa-work from home ang kanilang mga empleyado gaya ng ilag empleyado ng gobyerno.

Isinisisi ang polusyon sa usok na galing sa mga sinusunog na natirang pananim ng mga  magsasaka mula sa kalapit bayan ng New Delhi.

Batay sa ulat ng Lancet noong 2020, halos 17,500 ang namatay sa Delhi noong 2019 dahil sa polusyon sa hangin.

Sa report naman ng Swiss organization na IQAir  nitong nakaraang taon, lumalabas na 22 mula sa 30 lungsod sa mundo na tinaguriang  most polluted ay mula sa India.