International News
Mga estudyanteng Muslim, aksidenteng napakain ng baboy; mga magulang nag-protesta laban sa paaralan
Nagpupuyos sa galit ang mga magulang ng mga estudyanteng Muslim matapos aksidenteng mapakain ng baboy sa halip na vegetable sausage ang kanilang mga anak.
Naganap ang pangyayari sa Ryders Green Primary sa West Bromwich, UK nitong nakaraang linggo kung saan halos 70% ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan ay mga Muslim.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, pinagpaliwanag nila ang catering service hinggil sa kanilang naging pagkakamali.
Mahigpit na ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain ng baboy kung kaya’t hindi umano katanggap-tanggap ang pangyayari. Dahil dito, nagtipon-tipon upang mag-protesta ang mga magulang sa tapat ng naturang paaralan.
Ayon sa isa sa mga magulang, “For my daughter to be given a product that is against our religion is absolutely disgusting.
Nakipagpulong ang pamunuan ng paaralan sa mga magulang, kasama rin ang kinatawan ng catering service upang masagot ang mga tanong hinggil sa pangyayari.
Kinumpirma naman ng caterer na lahat ng bumili ng vegetable sausage ay baboy ang nakain at hindi gulay. Handa naman umano ang catering service na harapin ang mga reklamo.